SALAWIKAIN
Ito ay nasusulat sa wikang Tagalog mga kasabihan na kapupulutan ng aral o di kaya naman ay nakakagising sa saradong isipan
Salawikain ,halimbawa na lamang "Ang kalusugan ay isang kayamanan" hindi bat tama naman. Ang pagkakaroon ng malakas, walang sakit at malusog na pangangatawan ay maituturing na isang kayamanan at iwas din sa gastusin sa araw-araw , dahil alam naman natin na pag may karamdaman ay kaylangan ng pera upang makabili ng mga gamot o pang pachek up sa ospital. Kapag may karamdaman nauubos ang kayamanan at kapag walang karamdaman patuloy ang pagyan hindi man sa salapi kundi sa lakas ng pangangangatawan
Isama na din natin ang isa pang salawikain na sikat na sikat sa mga taong nanghihinayang na karaniwan ay naririnig sa mga magsusugal ito ay "Pera na naging Bato pa" sa pagbigkas ng mga salitang yan ay nakakabit ang pakiramdam ng panghihinayang o di kaya naman ay pagsisisi. Kaya kung may oportunidad na nakabukas para sayo ay pasukin molang dahil malay mo ,malay natin un pala ang ikauunlad ng buhay mo
"Nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa" Salawikaing karaniwang pinaparinig sa mga taong tamad . Hindi ibig sabihin na kapag may diyos ay hindi na tayo kikilos. Tayo pa din ang kikilos o gagawa ng mga dapat gawin at tayo din ang gumagawa ng estado natin sa buhay patungo sa hinaharap. Hindi uso ang pagiging tamad sa taong gustong yumaman, kaya naman magkusa at kumilos para sa sariling kaunlaran
Karamihan ng mga salawikain ay tumatak sa mga bata at matanda at ito ay nagdudulot ng ibat ibang pananaw sa mga taong naiuugnay ang kanilang buhay sa mga Salawikain o kasabihan.