Ang lahat ng naririto ay pawang opinyon, kuro-kuro at lika lamang ng malikhaing kaisipan.
Wednesday, 18 December 2024
Friday, 6 December 2024
Katutubong Mangyan
Sila'y ating nakikita sa lansangan
Lingon sa kaliwa ,lingon sa kanan
Palakad lakad sa bawat daan
At kung sila'y tawagi'y mangyan
Mangyan, na may pinapahalagahan
Pamilya, kultura at kapaligiran
Maging bulubundukin at kagubatan
Ang kanilang yaman na pinakaiingatan
Maliit na bagay ay kanilang pinapahalagahan
Hindi basta nagtatapon dahil alam na kaylangan
Yan ang tunay na tao ,alam ang hirap ng buhay
Kaya naman tatak na sila ng kasaysayan
Hindi lang sila isa, hindi lang dalawa
Kundi tribu, tribu pa
May pagkakaisa at pakikisama sa mga kalahi na nakasama
Sila'y parte ng pundasyon ng kultura at yaman ng tradisyon ng ating bansa
Subscribe to:
Comments (Atom)

