Tuesday, 29 October 2024

KOMBINASYON NG DISKARTE AT PAG-AARAL

 Sa modernong mundo, hindi maikakaila ang kahalagahan ng diskarte at pag-aaral bilang mga susi sa pag-asenso. Maraming nagsasabi na ang pag-aaral ay ang pinakaimportanteng paraan upang makamit ang tagumpay, ito ang nagbibigay ng kaalaman, kakayahan, at mga oportunidad na makakatulong sa pagtupad ng mga pangarap. Ngunit, sa kabilang banda, marami rin ang naniniwalang mas mahalaga ang diskarte, ang likas na abilidad na makakita ng mga oportunidad at makagawa ng tamang hakbang kahit sa kawalan ng pormal na edukasyon.

Ang pag-aaral ay nagbibigay ng matatag na pundasyon sa bawat indibidwal. Sa pamamagitan nito, natututo ang isang tao ng mga kasanayan at konseptong kailangan upang maging epektibo sa napiling larangan. Halimbawa, ang isang propesyonal na doktor o inhinyero ay kinakailangang dumaan sa mahabang proseso ng pag-aaral upang maging bihasa sa kanilang propesyon. Ang pag-aaral ay nagbibigay ng kredibilidad, na mahalaga sa pagkuha ng tiwala ng ibang tao at pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili.

Ngunit ang diskarte ay ang kakayahang gamitin ang natutunan upang makabuo ng mga solusyon sa tunay na mundo. Ang mga taong may diskarte ay may likas na talino sa pagharap sa mga hamon at problema sa pamamagitan ng pagiging praktikal, malikhaing pag-iisip, at kakayahang mag-adjust sa iba’t ibang sitwasyon. Sa mga larangang hindi gaanong nangangailangan ng pormal na edukasyon, gaya ng negosyo at pagpapalago ng mga bagong ideya, mahalaga ang diskarte dahil ito ang nagbibigay ng lakas ng loob sa pagkuha ng mga panganib, na kadalasan ay susi sa paglago ng isang negosyo.

Sa katunayan, hindi lamang isa sa diskarte o pag-aaral ang dapat bigyan ng halaga, kailangan ang pagkakaroon ng tamang balanse sa dalawa. Kung ang isang tao ay may natatanging edukasyon ngunit walang kakayahang magdiskarte, maari siyang mahirapang i-apply ang kanyang natutunan sa tunay na mundo. Sa kabilang banda, ang taong may diskarte ngunit kulang sa kaalaman ay maaring magkaroon ng hangganan sa kung ano lamang ang kaya niyang marating. Sa kumbinasyon ng diskarte at kaalaman, ang isang indibidwal ay mas handang humarap sa anumang hamon at pagkakataon na maaring magdala sa kanya sa tunay na tagumpay.

Ang pag-asenso sa buhay ay hindi lamang nakadepende sa isang aspeto. Ang tunay na tagumpay ay nakasalalay sa pagyakap sa lahat ng oportunidad ng pagkatuto habang nagiging mapanlikha sa bawat hakbang na tatahakin.

KINALABASAN

Sa gitna ng mainit na sikat ng araw, bumaba ang mga kastila sa baybayin, dala ang krus at espada. Sa unang pagkakataon, nakita ng mga Pilipino ang kanilang mga mata ,tila may dalang kapangyarihan, ngunit sa likod nito ay pagsasamantala. Sinimulan ang pagbabago: itinayo ang mga simbahan, ipinatupad ang mga batas, at pilit binura ang sariling kultura ng mga Pilipino. Ang kaalaman at kalayaan ay unti-unting inagaw ng bawat hampas ng latigo at bawat salitang ipinataw.

Lumipas ang panahon, dumating ang mga Amerikano, dala ang pangako ng demokrasya at edukasyon. Naging kaakit-akit ito sa mga Pilipino, ngunit sa ilalim ng kanilang mga ngiti at halakhak, naroon ang bagong anyo ng kolonyalismo. Ang kanilang "pagtuturo" ay panibagong pagkontrol. Sa kanilang mga paaralan, itinuro ang kanilang wika, kultura, at ang pananaw na sila’y mas mataas. 

Sa paglipas ng panahon, natutong lumaban ang mga Pilipino. Sa kabila ng impluwensya ng mga dayuhan, muling isinilang ang diwa ng pagiging malaya.

Wednesday, 23 October 2024

SUSPENDIDONG KLASE ,BAGYO ANG SANHI

OKTUBRE 24, 2024, Suspendido ang klase dahil sa bagyo.

      Nagising ako ng nilalamig at tila madilim ang paligid. Kung saan pagsilip ko sa bintana ay napakalakas ng hangin at ulan at sinabayan pa ito ng brown out.

      Bagyo, bagyo ang dahilan sa nakikita kong madilim na kapaligiran. Mga palay sa harap at likod ng amig bahay ay nakadapa na dahil sa matinding hangin at ulan. Sa isip isip ko kawawa ang palayan ng aking lolo dahil sa dinulot ng bagyo, Tila malulugi na naman ngunit ako din ay nagdasal na wag naman sana.

        May bagyo pero may pasok pa din ang aking ina sa kanyang opisina. Kami naman ng kapatid ko ay wala at bilang ate ako ang nag-iintindi sakanila kaya naman naglinis n lamang ako ng bahay at pinagluto sila ng kanilang pagkain.

         Maya't maya ko din na tinitingnan ang aking cellphone sa kadahilang baka may ipagawang gawain ang aming mga guro, may ilang mga nagbigay at ito ay ginawa ko rin upang maipasa agad ang mga ito. Tinapos ko ng maaga ang mga aktibidad na ibinigay ng guro sa kadahilanang patuloy na nauubos ang battery percent ng aking cellphone, katulad ngayon na 12 percent na lamang ito kaya naman nagpupursige akong matapos kaagad ang mga gawain upang maipasa ko ito agad ito at walang masayang na oras.

           Ang tanging hangad ko lang ngayong may bagyo ay nawa ay tumigil na ito at magkakuryente na dahil maraming mag- aaral ang may ginagawa at maraming tao ang naapektuhan ng bagyo.

CTE TEAM BUILDING


  

     Ika-23 ng Oktubre 2024, naganap ang aming team building kung saan ito ay pinangunahan ng MES. Kung saan ito ay ginanap sa barbers swimming pool.

        Masaya ang naging daloy ng party kung saan pinangunahan ito sa palarong paghahanap ng itlog at ang may pinakamaraming makikitang itlog ang team na magwawagi. Magkakampi ang bawat major by year level, kung saan ang mga team ay Team BEED, TEAM ENGLISH, TEAM MATH at TEAM FILIPINO AT SCIENCE. Pinagsama ang team Filipino at Science sa kadahilanang kakaunti ang miyembro ng Filipino at ng team science kaya naman pinag-isang grupo na lamang ito. Pagkatapos maghanapan ng itlog ay nagwagi ang Team Math dahil sila ang may pinakamaraming nakitang itlog.

       Sumunod na pangyayari ay nag-asikaso ng pagkain ang bawat isa, may mga tumulong sa paghahain, mayroon namang nagvivideoke at masasayang naglalaro at nagkwekwentuhan. Sumapit na ang tanghalian at ang bawat isa ay kanya kanyang pwesto sa lamesa para makakain sa inihandang boodle fight. Masayang kumain ang bawat isa ng may tawanan at natapos ang lahat na busog ang tiyan.

         Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ang lahat, pagkatapos magpahinga ay nagsimula muli sa paglalaro ng iba't ibag laro. Hanggang sa pagkatapos ng laro ay naligo na ang lahat sa swimming kasama ang ilang teacher kung saan ang iba ay inihahagis ang kanilang kaklase sa swimming pool upang maligo, ang iba naman ay kanya kanyang kuha ng mga litrato at ang iba ay kanya kanyang kwentuhan.

      Naganap din ang ilang palaro sa swimming kung saan kabilang dito ang group your self at ang pool volleyball na ang bola ay napakalaki. Napuno ng tawanan at masasayang ala-ala ang bawat sulok ng pool na hindi makakalimutan ng lahat ng naroroon lalo na ang magandang iteraksyon na nabuo sa bawat mag-aaral na nasa iba't ibang medyor ay talagang nagkaisa at nagtawanan na parang magkakaklase at magkakaedad lamang.

Tuesday, 22 October 2024

OBSERBASYON SA KLASE

 Sa aking obserbasyong isinagawa sa klase, napansin ko ang paggamit ng wika ng guro sa pagtuturo. May mga pagkakataon na gumamit siya ng Taglish, samantalang sa ibang oras naman ay purong Tagalog ang ginamit. Agad kong nakita ang pagkakaiba sa epekto ng dalawang paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral.

                  Sa mga oras na gumagamit ng Taglish ang guro, tila mas madali at mabilis ang daloy ng usapan. Mas nakakasabay ang mga mag-aaral at nagiging mas aktibo sila sa pakikilahok sa talakayan. Halimbawa na lamang, kapag nagtatanong ang guro sa wikang Taglish, mabilis ang tugon ng mga estudyante dahil ang Taglish ay malapit sa kanilang pang-araw-araw na wika. Sa kabilang banda, nang gumamit ng purong Tagalog ang guro, napansin kong mas pormal at seryoso ang naging tono ng klase. Bagamat mas matagal bago makasagot ang ilang estudyante, naging mas maayos at malinaw ang kanilang mga sagot. Dito ko napansin na ang paggamit ng purong Tagalog ay tila nagiging mas epektibo sa pagpapalalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga konsepto o aaralin.

                Sa aking obserbasyon, mahalaga ang tamang paggamit ng wika sa pagtuturo ng makrong kasanayan. Ang Taglish ay maaaring maging epektibo sa pagpapadali ng komunikasyon at pagpapasigla ng talakayan, ngunit ang purong Tagalog naman ay mas angkop sa mas malalim na pagtalakay ng mga aralin. Dahil dito, iminumungkahi kong balansehin ng mga guro ang paggamit ng dalawang wika depende sa layunin ng kanilang pagtuturo.



HINUHA

 Sa pag-aaral ko ng malikhaing pagsulat, natutunan ko ang halaga ng masusing obserbasyon at malalim na pag-unawa sa mga karanasan at emosyon ng tao. Nakita ko na ang bawat salita ay may kakayahang magdala ng damdamin at imahe, kaya’t mas maingat kong pinipili ang mga ito upang makabuo ng mas makabuluhang akda. Ang proseso ng malikhaing pagsulat ay hindi lamang tungkol sa pagsusulat, kundi ito ay isang paraan din ng pagpapahayag ng sariling damdamin.

               Ang mga natutunan ko sa malikhaing pagsulat ay maaari kong magamit sa iba pang larangan ng sining, tulad ng pagpipinta o potograpiya. Tulad ng pagsulat, kailangan din sa mga larangang nabanggit sa isinagawang talakayan ang pagkakaroon ng malikhaing interpretasyon sa mga bagay na nakikita o nararamdaman. Natutunan ko ring bigyan ng pansin ang mga detalyeng madalas hindi napapansin, at gamitin ang mga ito upang makabuo ng isa pang mas malalim na mensahe. Halimbawa, sa pagkuha ng larawan, maaaring ang isang simpleng eksena ay magkaroon ng kakaibang kahulugan depende sa anggulo nito. 

              Sa kabuuan, ang malikhaing pagsulat ay nagturo sa akin ng pasensya at pagkamalikhain. Ang mga kasanayang ito ay aking maiaangkop hindi lamang sa pagsusulat kundi sa iba't ibang uri ng sining at mga gawaing pampanitikan. Dahil dito ang bawat proseso ay nagiging mas makulay at makabuluhan.



KALINAWAN NG PAG-IBIG

Talaga nga, ang pag-ibig ay isa sa pinakamakapangyarihang damdamin na nararanasan ng tao. Ito'y isang puwersang nagbubuklod sa atin sa mga mahal natin sa buhay, nagbibigay-saya, ngunit minsan din nagdudulot ng lungkot at pighati. Sa bawat yugto ng buhay, ang pag-ibig ay naglalarawan ng iba't ibang anyo ,mula sa matamis na kilig ng mga bagong simula hanggang sa kahulugan at pag-unawa na dala ng mga taon ng pagsasama.

Ang pag-ibig ay masalimuot at may iba't ibang kulay. Ito'y hindi lamang tungkol sa romantikong pagmamahalan, bagkus, ito rin ay naglalaman ng pag-aalaga at pagmamalasakit sa kapwa. Sa pag-ibig, natututunan natin ang pagtanggap sa isa't isa, kasama na ang mga kahinaan at kamalian. Ito'y nagbibigay sa atin ng lakas upang harapin ang mga hamon ng buhay, at nagtuturo sa atin na maging mas matatag at mapagmahal.

Ang pag-ibig ay isang paglalakbay na puno ng emosyon at karanasan. Ito'y hindi hadlang sa mga pagsubok, kundi ito rin ang nagbibigay ng lakas upang malampasan ang mga ito. Sa huli, ang pag-ibig ay patuloy na nagbibigay-kahulugan at kagalakan sa ating buhay, nagpapahiwatig ng kahalagahan ng koneksyon at pag-aalaga sa isa't isa.

Ang pag-ibig ay tulad din ng isang halaman na kailangan ng maalagang pangangalaga. Ito'y nangangailangan ng panahon, pag-unawa, at pagtitiwala upang lumago at mamunga ng masaganang kasiyahan. Sa bawat araw, ang pag-ibig ay humuhubog sa atin bilang mga indibidwal, nagbibigay ng bagong kulay at saysay sa ating mga pangarap at adhikain. Sa paglipas ng panahon, natututunan nating ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa sarili, bagkus, ito'y isang malalim na pagnanais na magbigay-kasiyahan at kaligayahan sa ating mga minamahal. Ito rin ay nagbibigay ng lakas upang mangarap ng mga bagay na higit pa sa ating sarili, nagbibigay inspirasyon at dahilan sa bawat araw na magpatuloy.

Sa pagmamahal, tayo ay nagiging bukas sa mga bagong karanasan at pagkakataon. Ito'y nagtuturo sa atin na maging mapagpatawad, magbigay ng pangalawa, at magpakumbaba sa harap ng iba. Ang pag-ibig ay hindi lamang isang emosyon, kundi isang desisyon na patuloy na pinipili natin araw-araw. Sa huli, ito'y nagbibigay-saysay at ligaya sa kabila ng mga hamon at pagsubok na dala ng buhay.

 

ANG MAY AKDA ANG SIYANG PAKSA

 Sa ilalim ng araw, siya'y nag-aaral,

Isang babaeng kolehiyala, may pangarap sa buhay,

Panganay sa tatlo, sa kanilang magkakapatid,

Sa pamilya, siya'y patuloy ang pagmamahal. 


Masipag at masayahin, matatag ang loob,

Sa harap ng hamon, siya'y hindi sumusuko,

Nagpupursige't nag-aaral nang may pagsusumikap,

Upang maging guro, sa kanyang mga pangarap. 


Sa bawat araw, sa silong ng unibersidad,

Siya'y naglalakad, may bitbit na aklat,

Nag-aaral nang sabay-sabay kasama ang kaibigan,

Layuning matupad pangarap na pinagsusumikapan. 


Hindi siya nag-iisa, sa landasin na ito,

Ang pamilya niyang mahal, laging kasama't kasalo,

Sa lungkot at ligaya, pamilya'y karamay,

Sa pag-abot ng pangarap, pamilya'y kasama. 


Babaeng kolehiyala, panganay sa tatlo, guro ang layunin,

Sa pagpupunyagi at pagpupursige, ito'y matutupad,

Habang may pag-asa't pangarap, patuloy na maglalakbay,

Para sa tagumpay ng buhay, at inuukit na pangarap.

TALA NG AKING BUHAY

 Simulan natin ng akoy isang munting bata pa lamang.

Lumaki akong wala sa tabi ko araw araw ang aking ama at ina , ang lagi kong kasama ay ang aming katulong na si ate linlin na siyang nag aalaga sa aming tatlong magkakapatid , siya ang nagturo saakin ng gawain bahay katulad ng paglalaba ,pagluluto, paghuhugas ng plato at pagmamap ng sahig. Siya din ang naghahatid at sumusundo saamin sa paaralan. Isa sa mga hilig ko noongbakoy bata ay maglaro kasama ang aking nga pinsan at iba pang nga kamag anak. 


Tuwing gabi doon ko nakakasama ang aking mga magulang. Ngunit hindi na nila kami nalalaro dahil pagod din sila galing sa trabago ,okay lang din naman saakin dahil naiintindihan ko naman na kaya sila nagtratrabaho ay para maging maganda ang buhay naming tatlong magkakapatid 

Lalo na kapag summer doon kami nagiging buo ng aming pamilya , mahilig kaming maligo sa dagat at kumain ng sama sama. 

At ang pasko na palaging masaya ako dahil sa dami ng aginaldong nakukuha ko at nakakasama ko din si mama at papa,buo uli kami.

Hanggang sa nakatapos na ako ng elementarya at dumako nako sa sekondarya kung saan sa paaralang goodsheperd academy ako nag aral. Sa paaralang gsa madami akong natutunan, nakilala , at nagkaroon ng mga bagong kaibigan at mga bagong crush , syempre kasama sa buhay ang magkakacrush at ung unang crush ko sa gsa sya din ung kasintahan ko ngayun, matagal tagal na din kami . Nagkaroon kami ng pagkakaintindihan noong akoy nasa edad na labing limang taon at ngayun dalwampot isang taon na ang edad namin ,kung kwekentahin anim na taon ko na siyang boyfreind at ang masasabi ko masaya ang dating ako dahil nakuha ko ung crush ko. 

Supurtado naman ang aming magulang sa aming relasyon, at wala kaming naging problema doon. 

Nakatapos ako ng sekondarya at nakatanggap ng paranggal bilang kabilang sa may karangalan, hindi si pagyayabang pero simula sa elementarya ay hindi ako nawawalan ng medalya sa tuwing recognition at graduation at doon nakikita kong napasaya ko ang magulang ko. 

Tinahak ko naman ang mundo ng kolehiyo kung saan dito ako nanibago. Hindi ako sanay sa hirap pero pag dating ko sa kolehiya iniiyakan ko ang pag aaral kung saan sumabay pa ang pandemya na siyang lalong nagpahirap sa aking pag aaral. Hindi ako sanay sa online na klase kaya naman akoy tuong nahirapan andaming beses kong naisip na tumigil na lang na saka nalang ako papasok pag tapos na ang pandemya. Ngunit sa kabila ng lahat ng hamon ng pandemya nakaya ko nalagpasan ko ang samut saring isipin na hindi ko kaya dahil sa kabila ng lahat kaya ko at kinakaya ko pa hanggang ngayun. Ngayun nasasabi ko na na masaya din pala sa kolehiya siguro dahil sa mga kaklase at mga kaibigan na siyang nakakatulong upang maging magaan ang gawain at ang araw araw na pagpasok ko sa paaralan. 


Sa ngayun patungo na ako sa pangatlong baitang sa kolehiyo sa kursong batselyer ng edukasyong sekondarya medyor sa pilipino. Heto ako patuloy pa din na dumadaan sa hamon ngunit alam kong maganda ang daan na tinatahak ko dahil naniniwala ako sa sarili ko. At dito ko na tinatapos ang aking paghahayag dahil ang kasunod na kabanata ay tatahakin ko palang maraming salamat sa panonood


DI MALIMOT

Simula pa lang ng pagkabata, palagi nang nariyan si Lila. Siya ang kaibigan kong hindi kailanman umalis sa tabi ko. Tahimik siya, laging nakikinig, at kahit kailan ay hindi niya ako iniwan, lalo na kapag malungkot ako o may problema. Magkasama kaming tumatakbo sa ulan, naglalaro sa parke, at nagkukuwentuhan hanggang madaling-araw. Walang ibang nakakakilala kay Lila, pero hindi ko iyon inisip. Basta't nandiyan siya, sapat na.


Isang gabi, habang nakaupo kami sa balkonahe, tinanong ko siya, "Bakit hindi ka nagpapakita sa iba? Tanging ako lang ang nakakakita sa'yo."


Ngumiti siya ng bahagya, may lungkot sa mga mata. "Kasi, Ana" sagot niya nang malumanay, "hindi mo pa natatanggap na wala na ako."


Napahinto ako. "Anong ibig mong sabihin?"


Biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid-ang hangin, ang mga kuliglig, ang tibok ng puso ko. At sa katahimikan, naalala ko: si Lila, ang pinakamatalik kong kaibigan, ay matagal nang namatay. Hindi siya totoo ngayon, kundi alaala ko na lang-isang bahagi ng sarili ko na ayaw pakawalan ang sakit ng pagkawala.


Ngayon, habang naglalaho siya sa hangin, napagtanto kong hindi ako ang iniwan niya, ako ang hindi pa bumitaw.


Ang dagli na ito ay may twist na ang "kaibigan" ng tauhan ay isang ala ala na lang ng isang taong pumanaw na, isang imahinasyong dulot ng hindi pa natatanggap na pagkawala. Ang pagbubunyag ng katotohanan ay dahan- dahan at masakit, pero makabuluhan sa pagtatapos.

WIKANG MAPAGPALAYA

 Sa bawat salita, may lakas na taglay,  
Nag-uugnay ng isip, damdamin at buhay.
Ang wika'y tulay sa ating pagkakaintindihan,
Sa hirap at ginhawa, ito'y ating kaibigan. 

Sa likha ng mga kwento't tula,
Ang wikang Filipino, sa puso'y dala.  
Nagpapahayag ng kultura at tradisyon na sa lipunan nati'y dala dala, 
Sa ating pagkakaisa, siya ang gwardya. 

Minsan tayo'y nahihirapan, naguguluhan, 
Ngunit sa wika, may pag-asa't liwanag na sandigan.  
Sa pakikibaka, ito'y ating sandata, 
Sa mga pangarap, ito'y ating kasama. 

Kaya't gamitin ang wika nang buong puso, 
Sa bawat hakbang, tayo'y magtatagumpay, sigurado.  
Wikang mapagpalaya, sa laban natin ay kasama,  Sa kinabukasan, tagumpay ang dala-dala.

Sunday, 20 October 2024

Nasa Gawa, Hindi sa Salita


Sa bawat umaga’y bumubukang marahan,  

Mga mata ko'y ikaw ang nakikita.

Tanaw na tanaw ang iyong pagmamahal,

Pag-iintindi at pag-unawa. 


Hindi mo man batid, ikaw ang aking gabay,  

Gabay hindi sa maghapon, kundi sa araw-araw.

Sa mga yakap mong tahimik, may paglingap na dalisay,  

Kahit walang salita, damang-dama ko ang kalinga. 


Ang iyong mga kilos ay may taglay na paggalang.

Sa iyong mga salita, respeto'y hindi nawawala.

Sa iyo natutunan, pag-ibig ay hindi laging matamis,

Kundi matapang, totoo at handang umintindi. 


Sayo'y natagpuan  tahimik na pagkalinga. 

Walang hiniling, walang hinihintay na kapalit,  

Iyong kilos at presensya'y hindi nawawala.

Pagkat sa’yo, ang pagmamahal ay nasa gawa, hindi sa salita .  


Saturday, 12 October 2024

ILAW NG TAHANAN

 Theme: Kalungkutan


Siya ang aking kadamay sa lahat ng bagay 

Sandalan sa tuwing akoy nahihirapan

Nagbibigay kulay sa aking buhay,

Na parang bahaghari sa kalangitan


Sa unang pag mulat ng aking mata 

Pag ibig nya kaagad ang aking nadama

Ngunit sa pagmulat ngayon ng aking mata ,

Siya ay tuluyan nang namahinga


Unti unting pumapatak ang mga luha

Habang nakatitig sa kahong mahaba

Tinatanaw ang babaeng nakahiga,

Na kung tawagin ko'y aking Ina


Inaalala ang lahat ng mga pinagdaanan,

Pinagdaanan na siya ang karamay

Hinagpis at hirap na siya ang naglunas

Ligaya at galak na isa siya sa nag-ambag


Siya ang aking unang naging kakampi

Takbuhan kapag akoy nagagapi

Ngayung siya'y wala na 

Napapatanong ako ,Sino na ang aking lalapitan sa oras na akoy nahihirapan?


Hindi matanggap na ika'y wala na

Hinagpis sa puso'y damang-dama

Agos ng likido mula sa mga mata ay hindi mapigilan

Dahil sa labis na hapdi sa pusong nagdadamdam


Ikaw ang ilaw ng tahanan 

Na aking titingalain habang buhay,

Akoy ngayung mamamaalam labag man sa aking kalooban,

Ina kong minamahal na aking naging sandalan.

POOT SA DI MAPAPATAWAD NA KASALANAN(Maikling kwento)

Heto na naman, umaga na naman panibagong araw ng kahirapan at pag titimpi. Si nanay na naghahain ng pagkain sa lamesa at si tatay na nanonood ng telebesyon habang nakahiga sa isang mahabang upuan .Ang mga nakababata kong kapatid na naglalaro sa harap ng bahay na wala pang alam sa reyalidad dahil sa murang isipan, at ako na isang panganay na mulat na sa katotohanan na hindi na magbabago si tatay.

Agad kong nilapitan si nanay upang siya ay tulungan sa paghahanda ng ilalako niyang saging sa lansangan. Kita ko ang pagod na dinadala ni nanay habang si tatay ay maluwag na namamahinga lamang. Maya maya pay dumating ang kumpare ni tatay upang siya'y yayaing bumarik na naman. Agad naman itong sinabihan ni nanay nang "Karding baka pedeng ipagpalipas mo muna yan at maari bang maghanap ka ng trabaho sa araw na ito" at sumagot naman si tatay "Wala ngang natanggap sakin diba atsaka pede ba maglako kana ng paninda mo habang maaga pa ng maaga kang kumita ,atsaka hayaan muna ako mag inom ng makapaglibang naman habang wala akong ginagawa" kita ko ang malalim na pagbuntong hininga ni nanay na tila'y wala na naman siyang magagawa upang mapasunod si tatay.

Bilang panganay nakikita ko ang hirap ni nanay sa araw araw habang si tatay ay nagpapasarap lamang , Awang awa nako sa aking ina at galit na galit ako sa aking ama dahil parang wala na siyang inisip kundi sarili nya. Ni minsan ay hindi ko sya nakitang bumili ng ulam ngunit pambili ng pulutan ay mayroon siya. Hindi ko din siya nakitang nag abot ng pera kay nanay pang tustos sa amin ngunit pangpusta sa ibat ibang sugal ay mayroon siya. Hindi ko mapigilang magalit kay tatay lalo na pag siya'y lasing ay si nanay pa ang kanyang sinasabihan ng masasakit na salita katulad na lamang ng 

"Wala kang kwentang asawa" 

"Malas na buhay to" 

"Isda na naman ang ulam minsan naman bumili ka ng karnBa

 "Bakit ba kasi ikaw pa ang naging asawaKapa

Kapag naririnig ko ang mga salitang yan na binubulalas ni tatay ay lalo lamang nadadagdagan ang galit ko sakanya. 

Hanggang isang araw ay nadatnan ko sa bahay si nanay at si tatay na nagsasagutan "Bakita nakuha mopang mababae Karding ,hindi kaba naawa saamin ng mga anak mo halos ginawa kuna lahat sinalo kuna lahat ng responsibilidad ako na ang nagtratrabaho at ikaw ay nagpapasarap lamang at nakuha mopang mambabae " bulalas ni nanay habang patuloy na pumapatak ang kanyang mga luha " Dala lang yun ng kalasingan Sita pede ba hayaan monga akong matulog muna" " Hindi nato pede Karding pagod na pagod nako ,hindi nako papayag na ganituhin moko maghiwalay na tayo" " Edi maghiwalay rinding rindi nako sayo sita" pasigaw na wika ni tatay Agad akong lumapit kay nanay at humarap kay tatay " Itay mas mabuti pangapong mag hiwalay kayo ni nanay dahil sa totoo lang tatay si nanay lang naman talaga ung bumubuhay samin at kayo ang binubuhay nyolang ay ang sarili niyo, puro nalang kayo inom ,sigarilyo ,lasing dito lasing doon wala po kayong awa ang pinakamasakit papo ay nakuha nyopa pong mambabae ,Hindi ako hihingi ng tawad sainyo itay sa mga nasabi ko at simula ngayun hindi kuna kayo itinuturing na Ama dahil hindi naman kayo nag paka ama saamin"

Agad kung inalalayan si nanay at nilisan namin ang aming tahanan kasama ang aking mga kapatid upang doon na manirahan kila lolo at lola , kung saan alam ko na mas mapapabuti at magiging maayus ang aming buhay . Alam kung kaya namin to kahit na naghiwalay na sila ni tatay , kinaya nga namin noon na kasama nga namin si tatay ngunit para rin naman siyang wala. Nakikita ko kay nanay na tapos na siyang maging martyr at masaya akong nagising na siya sa katotohanang hindi na magbabago si tatay. Alam kung lumilipas ang galit at lahat ng tao'y nagpapatawad ngunit ang pagpapatawad ko sa ama ko'y wala pang kasiguraduhan dahil sa binigay nyang sugat sa aking puso at sa puso ni nanay.

Thursday, 3 October 2024

GEONIMIYANG PAGSIPAT: PAGGALUGAD SA UGAT NG MGA PINAGMULAN NG PANGALAN NG MGA BARANGAY SA BAYAN NG SOCORRO, SILANGANG MINDORO 



Abstrak


Ang tiyak na ngalan ng mga bagay o lugar ay may mga pinagmulan na naka-ukit sa kasaysayan ng kanilang pinanggalingan. Ang mga pinagmulan ito ay nagbibigay ng konteksto sa pagkakakilanlan at kultura ng mga tao o lugar. Naglalaman ito ng makukulay na kwento na nagpapasalin-salin, na nagdudulot ng mas malalim na ugnayan sa kahulugan ng mga pangalan. Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang pinagmulan ng mga pangalan ng barangay sa Bayan ng Socorro, Silangang Mindoro at alamin kung paano makakatulong ang "Diwa ng Lokasyon:Mga Kwentong Barangay ng Socorro" bilang awtput ng pag-aaral sa mga mag-aaral, guro, at mamamayan ng Bayan ng Socorro. Ang kasalukuyang pag-aaral ay gumamit ng naratibong uri ng kwalitatibong pananaliksik bilang disenyo ng pag-aaral. Kinalap ang mga kinakailangang datos sa pamamagitan ng mga panayam at Focus Group Discussions (FGD). Kabilang dito ang walang balangkas na uri ng panayam na mas impormal at karaniwang naglalaman ng maraming karagdagan na tanong. 


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang pinagmulan ng mga pangalan ng Barangay sa Bayan ng Socorro, Silangang Mindoro sa mga local na residente nang sa gayon ay makabuo ng “Diwa ng Lokasyon: Mga Kwentong Barangay sa Socorro”. Ito ay partikular na naglalayong masagot ang mga sumusunod na suliranin:

 1. Ano-ano ang pinagmulan ng mga pangalan ng Barangay sa Bayan ng Socorro, Silangang Mindoro? 

2. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ano ang mahalagang maitutulong ng "Diwa ng Lokasyon:Mga Kwentong Barangay ng Socorro" bilang awtput ng pag-aaral sa mga mag-aaral, guro, at mamamayan ng Bayan ng Socorro? 

Awtput "Diwa ng Lokasyon:Mga Kwentong Barangay ng Socorro"

Tuesday, 1 October 2024

Pamanang Karunungan ng Ating Bayan

Ang karunungang bayan ay isang mahalagang bahagi ng ating kultura at identidad bilang mga Pilipino. Ito ay binubuo ng mga kasabihan, salawikain, bugtong, alamat, at iba pang anyo ng kaalaman na ipinasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Ang mga ito ay sumasalamin sa karanasan, kaisipan, at damdamin ng ating mga ninuno. Sa pamamagitan ng pag-alam sa mga karunungang bayan, mas nauunawaan natin ang mga pananaw at aral na naging pundasyon ng ating lipunan, at kung paano ito nakaimpluwensya sa ating kasalukuyang pamumuhay. 

Ang mga karunungang bayan ay nagsisilbing gabay at nagbibigay ng aral sa araw-araw na buhay. Maraming kasabihan at salawikain ang nagtuturo ng moralidad, disiplina, at respeto sa kapwa, mga pagpapahalagang patuloy nating ipinapasa sa susunod na henerasyon. Ang mga bugtong at alamat, sa kabilang banda, ay nagpapalalim ng ating pagka-usisa at imahinasyon, na nagpapayaman sa ating pagka-Pilipino. Sa bawat anyo ng karunungang bayan, nadarama natin ang pagkakaugnay ng ating mga kwento, pati na rin ang ating mga pananaw sa buhay, kalikasan, at lipunan. 

 Sa kabuuan, mahalaga na alam natin ang mga karunungang bayan dahil ito'y bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sa pamamagitan ng mga ito, napapanatili natin ang yaman ng ating kultura at kasaysayan, at ipinapakita natin ang pagpapahalaga sa mga aral na iniwan ng ating mga ninuno. Ang pag-aaral at pagpapasa ng karunungang bayan ay hindi lamang pagpapatuloy ng tradisyon, kundi isang paraan din upang bigyang halaga ang ating ugat at identidad sa patuloy na pagbabago ng panahon.

Kwento sa Bawat Lokasyon

 Ang pag-alam sa pinagmulan ng pangalan ng mga barangay o lugar ay isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang isang bayan. Sa bawat pangalan, may nakatagong kasaysayan, kultura, at kwento na nagbibigay-liwanag sa ating nakaraan. Maaaring ito'y mga pangyayaring humubog sa komunidad o mga taong nagbigay ng inspirasyon sa pagbibigay pangalan sa lugar. Sa ganitong paraan, nauunawaan natin ang koneksyon ng mga pangalan sa kasaysayan at kung paano ito nakaimpluwensya sa kasalukuyang henerasyon. 

Ang mga pangalan ng barangay o lugar ay hindi lamang simpleng tawag; ito ay simbolo ng yaman ng kultura at tradisyon ng mga tao rito. Kapag nalalaman natin ang pinagmulan ng mga ito, mas napapalalim ang ating pag-unawa sa mga lokal na kwento at alamat na bumabalot sa mga komunidad. Nagiging bahagi tayo ng isang mas malaking naratibo, kung saan tayo'y konektado hindi lamang sa kasalukuyan, kundi pati na rin sa nakaraan. Ang pag-aaral ng pinagmulan ng mga pangalan ay isang paraan upang igalang ang mga naunang henerasyon na bumuo at nagtanim ng pundasyon ng ating komunidad. 

Sa kabuuan, mahalaga ang kaalaman tungkol sa pinagmulan ng mga pangalan ng barangay o lugar dahil ito'y nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa ating kasaysayan at identidad. Sa pamamagitan nito, mas nauunawaan natin ang mga kahalagahan ng ating mga komunidad at ang mga kwentong nagbabalot sa mga pangalan ng mga lugar na tinatawag nating tahanan. Mas pinalalalim nito ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino, nagpapalakas ng ating pagpapahalaga sa ating kultura, at nagtutulak sa atin na ipagmalaki ang ating pinagmulan.

Babaeng Makabago: Hindi na Dapat Bumalik sa Lumang Trato

Ang tanong kung dapat bang ibalik ang trato o pamumuhay ng mga kababaihan noong unang panahon ay isang mahalagang pagninilay, lalo na’t iba ang konteksto ng bawat panahon. Noon, ang mga kababaihan ay madalas nakararanas ng limitadong karapatan at kalayaan, at maraming aspeto ng kanilang buhay ay kinokontrol ng tradisyon at patriyarkal na sistema. Bagaman may mga pagkakataong ipinakita nila ang kanilang lakas at kakayahan, kadalasan ay nililimitahan sila sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng pamilya, na itinuturing na pangunahing tungkulin ng babae sa lipunan.

Sa kasalukuyang panahon, marami na ang pagbabago sa estado ng kababaihan. Nagkaroon sila ng higit na kalayaan sa pagpapasya, sa edukasyon, at sa karera. Ang pagbabalik sa mga lumang paraan ng pagtrato sa kababaihan ay maaaring magpakitid muli ng kanilang mundo at bawiin ang mga karapatang matagal na nilang ipinaglaban. Bagamat mahalaga ang mga tradisyon at kultura, mas mahalaga na makita ang kalakasan ng kababaihan hindi lamang bilang tagapag-alaga ng tahanan kundi bilang pantay na katuwang sa iba't ibang larangan ng buhay.

Sa huli, hindi na angkop na ibalik ang lumang trato sa kababaihan. Bagkus, dapat itaguyod ang patuloy na pagsulong ng kanilang mga karapatan at pagkakapantay-pantay. Sa ganitong paraan, mabibigyan ng halaga ang bawat babae bilang isang indibidwal na may sariling kakayahan at dignidad, na hindi nasasakal ng mga lumang pamantayan ng lipunan.